Nakakaiyak! Showtime hosts, finlex ang mga mommies nila | It’s Showtime May 10, 2025 | Part 1 of 4
Bago pa ang elekyon, may nanalo na sa mga puso natin—ang ating mga ina, na salamin ng wagas na pag-ibig. Bilang pagpapakita ng pagmamahal sa mga ilaw ng tahanan ngayong darating na Mother’s Day, isang espesyal na kantahan at kuwentuhan ang pinagsaluhan ng Showtime family.
Isa-isang finlex ng hosts ang kanilang mga ina. Si Vice Ganda, ibinida ang pagiging masinop ni Nanay Rosario. Matalak ito, oo, pero ito ’yung ingay na hinanap-hanap ni Meme nang mawalay lay Nanay Rosario, na nanging OFW. Ngayon ay ine-enjoy nila ang mga harutan at kulitan.
Kung nanay mo ay matigas ang ulo, relate ka sa kuwento ni Jhong Hilario. ‘Yun bang mga momshies na may sariling reseta. Biro niya, ang totoong gamot sa kakulitan ng ina ay pera!
Tagos-puso rin ang pagbabahagi ni Ryan Bang tungkol sa ina, na nagtrabaho bilang kasambahay. Ang Nanay ni Ryan ang halimbawa ng mga inang tahimik lang na iniinda ang hirap at sakit, hindi na magsasabi pa upang hindi na rin mag-alala ang pamilya.
Bukod sa kagandahang pisikal, namana rin ni Karylle ang panloob na kagandahan mula sa inang si Zsa Zsa Padilla. Sabi ni Karylle, lumilipas naman talaga ang ganda at kumukulubot ang balat. Pero ‘pag nakikita niya ang mga wrinkles ng ina, nagpapasalamat siya dahil simbolo ito ng lakas at ibig sabahin ay mapalad siya dahil kasama niya ang ina sa pagtanda nito.
Naging emosyonal naman si Kim Chiu nang alalahanin ang maagang pagpanaw ng kan’yang nanay. Kahit hindi nagkaroon ng pagkakataong makabawi sa ina, may masasaya pa rin silang ala-ala.
Luto ni mama ang paborito ni Darren Espanto. ‘Di baleng walang kasabay kumain noon sa school, basta meron siyang masarap na baon mula sa inang hindi nagsasawang siya’y asikasuhin.
Nag-open up din si Vhong Navarro tungkol sa dalawang mama niya. Nang ikasal siya, isa sa pinakamatamis na regalong natanngap niya ay ‘yung makitang magkasundo ang dalawang ina.
Hindi naman napigilan ni Ion Perez ang pag-iyak nang mag-sorry sa reyna ng kan’yang buhay. Madalas man ang tampuhan, pero si nanay pa rin ang laging paboritong uwian.
Jamming muna tayo for our dear mommies. Ang pasasalamat at appreciation, idaan sa song, kasama ang Showtime family at TNT champions Lyka Estrella, Rea Gen Villareal, at Carmelle Collado.
Present din ang nag-iisang Asia’s Songbird Regine Velasquez, na nagpaalala ng kahalagahan ng komunikasyon para iparamdam ang pagmamahal sa mga nanay. Kumustahin mo si mama. Minsan naman, makipagkuwentuhan ka sa kan’ya. Habang lumalaki ka, tumatanda rin siya. Tinuruan ka niyang magsalita, dahil ang mga kuwento mo ang magpapasaya sa kan’ya.
Watch more It’s Showtime videos, click the link below:
Highlights: https://www.youtube.com/playlist?list=PLPcB0_P-Zlj4WT_t4yerH6b3RSkbDlLNr
Kapamilya Online Live: https://www.youtube.com/playlist?list=PLPcB0_P-Zlj4pckMcQkqVzN2aOPqU7R1_
Available for Free, Premium and Standard Subscribers in the Philippines.
Available for Premium and Standard Subcribers Outside PH.
Subscribe to ABS-CBN Entertainment channel! – http://bit.ly/ABS-CBNEntertainment
Watch the full episodes of It’s Showtime on iWantTFC:
http://bit.ly/ItsShowtime-iWantTFC
Visit our official websites!
https://entertainment.abs-cbn.com/tv/shows/itsshowtime/main
http://www.push.com.ph
Facebook: http://www.facebook.com/ABSCBNnetwork
Twitter: https://twitter.com/ABSCBN
Instagram: http://instagram.com/abscbn
#ItsShowtime
#MamaMoShowtime
#KapamilyaOnlineLive