Perfect! Nanay na MARITES nakatagpo ng tatay na TOLITS | It’s Showtime May 31, 2025 | Part 2 of 5
Bawal ang nega! Bawal ang bitter! Sige ka, hindi mo mahahanap si forever! Gayahin na lang ang mga ‘seniors’ na positive lang ang mindset pagdating sa pag-ibig at game pa rin sa dating scene.
But, first of all, sayawin muna ang steps ng ‘Step In The Name of Love” theme song. May sari-sariling versions sina Vice Ganda, Jhong Hialrio, Vhong Navarro, at Kim Chiu. ‘Yung kay Jhong, pwede raw sa opening ng zoo. At ‘yung kay Kim, bagay sa commercial ng feminine wash. ‘Naloka’ nga lang si Meme Vice sa hirit ni Kim na, “Mayabang, naghugas!”
Kaunting ‘yabang’ ang kailangan, ‘yung bang tamang confidence lang para mapansin ni matchmate Letty, single mom, never been married, at 33 years nang walang jowa. Kasama niya si BFF Bebot, na todo ang support. Wala mang social media sa kanilang kapanahunan, nanatiling matibay ang kanilang pagkakaibigan.
Pero ngayong may social media na, pampatibay rin ‘yan ng friendship nila. Dahil ang mga mommies, aminadong ‘marites.’ Madalas pag-usapan ang posts ng iba pa nilang kaibigan. Aminin, relate kayo d’yan! Pero ‘di baleng tsismosa, masarap namang magluto si Nanay Letty. Minsa’y nagbebenta ito ng ulam para may ekstrang pagkakitaan. Natural itong masayahin at suki ng mga parlor. Pero, meron siyang ‘kakulangan’ na dahilan para makaramdam ng insecurity.
Pagkatapos ng kuwentuhan, ang mga hakbangers, sabay-sabay na umakyat ng hagdan. Na-impress si Abo, 61, maintenance janitor. May siyam na anak. Pumanaw ang kan’yang misis dahil sa COVID-19 pero ngayon ay handa nang magkaroon ng bagong kakilala. Forda step up din si Cesar, tricycle driver; at si Bench, ang 46-year-old loving grandpa na may photo-video coverage business.
Dahil kung pagiging ‘marites’ lang ang usapan, sabi ni Tatay Cesar, uso naman daw ‘yan. Aminadong tsismoso silang magbabarkada. Halimbawa, ‘pag si pare ay hindi umuwi sa bahay, sa tsismisan pupulutin kinabukasan. Natatawang sumang-ayon si Tatay Bench – Tolits daw siya, as in ‘Tol, anong latest?’
Mukhang pare-parehong magkakasundo sina matchmate, BFF, at hakbangers! Pero matapos ang ‘akyatan’, si Tatay Bench ang napiling ka-date ni Nanay Letty.
Watch more It’s Showtime videos, click the link below:
Highlights: https://www.youtube.com/playlist?list=PLPcB0_P-Zlj4WT_t4yerH6b3RSkbDlLNr
Kapamilya Online Live: https://www.youtube.com/playlist?list=PLPcB0_P-Zlj4pckMcQkqVzN2aOPqU7R1_
Available for Free, Premium and Standard Subscribers in the Philippines.
Available for Premium and Standard Subcribers Outside PH.
Subscribe to ABS-CBN Entertainment channel! – http://bit.ly/ABS-CBNEntertainment
Watch the full episodes of It’s Showtime on iWantTFC:
http://bit.ly/ItsShowtime-iWantTFC
Visit our official websites!
https://entertainment.abs-cbn.com/tv/shows/itsshowtime/main
http://www.push.com.ph
Facebook: http://www.facebook.com/ABSCBNnetwork
Twitter: https://twitter.com/ABSCBN
Instagram: http://instagram.com/abscbn
#ItsShowtime
#SaShowtimeMAYSaya
#KapamilyaOnlineLive